top of page
Search
BULGAR

Pope Francis sa mga magulang: ‘Suportahan ang inyong anak kung sila ay bakla’

ni Jasmin Joy Evangelista | January 27, 2022



Inihayag ni Pope Francis nitong Miyerkules na hindi dapat kondenahin bagkus ay suportahan ng mga magulang ang kanilang anak na bakla.


Ito ay kanyang sinabi sa kanyang weekly audience hinggil sa mga hamon na kinahaharap ng mga magulang sa pagpapalaki ng anak.


Kabilang umano sa mga isyung ito ay “parents who see different sexual orientations in their children and how to handle this, how to accompany their children, and not hide behind an attitude of condemnation,” ani Francis.


Sinabi rin ng Santo Papa na karapatan ng mga bakla na sila ay tanggapin ng kanilang pamilya bilang anak at kapatid.


Sinabi rin niya na hindi man masuportahan ng Simbahan ang same-sex marriage ay suportado naman nito ang civil union laws na nagbibigay ng joint rights sa gay partners sa mga pensions at health care at inheritance issues.


Noong nakaraang taon, ang doctrinal office ng Vatican ay nag-isyu ng dokumentong nagsasabi na ang mga Catholic priests ay hindi puwedeng mag-bless ng same-sex unions, na siyang inalmahan ng gay Catholics.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page