top of page
Search
  • BULGAR

Pope Francis, magkakaroon ng mahabang Asia trip

ni Eli San Miguel @Overseas | July 6, 2024


News
Photo: Circulations / FB

Magkakaroon ng abalang iskedyul si Pope Francis sa Setyembre, dahil bibisita siya sa Indonesia, Singapore, Papua New Guinea, at East Timor. Kasama sa kanyang plano ang pangunguna sa tatlong misa sa stadium.


Itinuturing ang pagbiyahe mula Setyembre 2 hanggang 13 bilang pinakamatagal na panahon na mawawala ang 87-anyos na Santo Papa mula sa Roma sa buong panunungkulan niya ng 11 taon.


Ito ang unang pagbiyahe niya sa ibang bansa mula Setyembre ng nakaraang taon nang bumisita siya sa Marseille.


Batay sa opisyal na iskedyul na inilathala ng Vatican noong Biyernes, naglalaman ang paglalakbay sa Asia ng 16 talumpati at tatlong mga misa na gaganapin sa mga stadium sa mga kabisera ng Jakarta, Singapore, at Port Moresby sa Papua New Guinea.


Sa Indonesia, na tahanan ng pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa mundo, makikilahok ang Santo Papa sa isang interreligious meeting sa Istiqlal Mosque, isa sa pinakamalalaking mosque sa mundo.


Sa Papua New Guinea, makikipagkita siya sa mga batang lansangan at magsasagawa ng day trip papuntang Vanimo sa hilagang bahagi ng bansa, kung saan makikipagtagpo siya sa mga misyonerong Katoliko.


Bagaman may matibay na etika sa trabaho si Francis at handang maglakbay, napilitan siya kamakailan na magbigay muna ng pansin sa kanyang edad at kalusugan, kabilang ang pagkansela ng isang biyahe noong nakaraang taon sa UN climate talks sa Dubai.


Sa ngayon, nasa bilang na 44 ang mga pagbiyahe sa ibang bansa na isinagawa ni Francis.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page