ni Jasmin Joy Evangelista | December 20, 2021
Ipinagdasal ni Pope Francis ang Pilipinas matapos ang pananalanta ng bagyong Odette.
Nitong Linggo, nag-tweet ang Papa ng mensahe para sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyo na may hashtag na #PrayTogether.
"I express my closeness to the population of the Philippines, struck by a strong typhoon that has caused many deaths and destroyed so many homes," aniya.
"May the 'Santo Niño' bring consolation and hope to the families of those most affected," dagdag niya.
Nag-landfall ang bagyong Odette sa Siargao noong Huwebes at sinalanta ang iba’t ibang lugar kabilang ang Bohol, Cebu, Palawan, at Negros Occidental.
Comments