top of page
Search
BULGAR

Police chief, target sa pag-atake sa Maguindanao

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 4, 2020




Inatake ng armadong grupo ang Barangay Poblacion sa Datu Piang, Maguindanao noong Huwebes nang gabi kung saan target umano ang hepe ng pulisya, ayon sa awtoridad.


Tinatayang aabot sa 50 hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya ang umatake sa naturang lugar, ayon kay Joint Task Force Central Spokesman Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano.


Aniya, "Ang grupo na 'to ay nabi-belong sa BIFF at Dawlah Islamiya. More or less 50 sila, nahahati sa dalawang grupo. Ang isang grupo, nag-attempt na mag-harass doon sa headquarters ng Charlie Company, 6th Infantry Battalion at saka 'yung 30 po, nag-attempt na pasukin ang poblacion Datu Piang to target the chief of police of Datu Piang... si Police Captain Israel Bayona."


Ayon kay Atilano, nakasakay umano ang grupo ni Bayona sa police vehicle nang makita nila ang mga armadong kalalakihan kaya nagpasya silang bumaba sa sasakyan at pumunta sa ligtas na lugar.


Kuwento ni Atilano, "Kagabi po, nakasakay po siya roon sa patrol car kasama ang mga kasamahan niya, noong nalaman nila na may parating na malaking grupo na armado at sumasalubong sa kanila, they alighted the vehicle and naiwanan po nila ito malapit doon sa patrol base ng 6th Infantry Battalion kung saan ang patrol base na ito ang nagbabantay sa simbahan at eskuwelahan na magkatabi po ito.


"Ang nagma-man po rito ay apat na sundalo lang po at ang nakasagupa po nila ay 30 members, armed members ng BIFF at Dawlah Islamiya. 'Yung mga police po, they alighted the vehicle at nagtago po sila sa safer place but 'yung tropa ng 6ID, they tried to repel itong mas malaking grupo ng BIFF.”


Aniya pa, "Noong na-overwhelm na po sila, nag-reposition na po sila sa alternate battle position nila for safety at 'yun na rin po ang pagdating ng reinforcement kaya ‘di po natuloy ang pagpasok ng armadong grupo.”


Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng pag-target ng mga suspek sa hepe ng pulisya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page