ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 18, 2024
Oras na ba para tuluyang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa?
Kung Department of Finance ang masusunod, kailangang ipagbawal na sila dahil mas malaki ang perhuwisyo kaysa benepisyo na dala ng mga ito.
Ayon sa DOF, nasa P166.49 billion lamang ang annual total economic benefits ng mga POGO. Samantala, nasa P265.74 billion naman ang total economic cost.
Ibig sabihin, nasa P99.52 billion kada taon ang nawawalang kita ng bansa dahil sa pananatili ng mga POGO.
Ang mga economic benefit, na maaaring direct at indirect, ay tumutukoy sa mga tax at gaming revenue, private consumption spending, real estate, atbp., habang ang indirect benefits naman ay mga economic at fiscal multiplier effects, sabi ng DOF.
Kasama naman sa direct economic costs ang lost investment opportunities, additional costs of law enforcement, at impact to tourism.
☻☻☻
May social costs din na hindi kasama sa analysis ng DOF, ngunit kailangang isaisip din.
Nariyan ang mga krimen na nangyayari dahil sa pagpasok ng mga ilegal na elemento.
Lumalala rin ang korupsyon sa iba’t ibang sektor dahil sa POGO.
Ilang beses na nating pinuna ang mga anomalyang nagaganap sa ating mga immigration agency. Idagdag na rin natin ang katiwalian sa Philippine Statistics Authority na pinagmumulan ng mga pekeng birth certificate at iba pang dokumentong ipinagkakaloob sa mga illegal Chinese immigrant.
Kailan natin sasabihing tama na, sobra na?
Nawa’y sa lalong madaling panahon ay matigil na ang ating POGO love affair.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments