ni MC @Sports | February 17, 2023
Apat na labanan sa kababaihan at tatlo sa kalalakihan ang itatampok ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships ngayong Biyernes sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.
Magsisimulang umaksiyon ang Parañaque Green Berets at New Gen. Sta. Cruz Laguna sa girls’ Pool A match set ng 10 a.m., kasunod ng Parañaque Thunderbolts Volleyball Club-Gracel Christian College Foundation duel sa Pool B ng 11:30 a.m.
Magsasagupa naman ang Marikina Titans Volleyball Club at California Precision Sports (CPS) ng 1 p.m. sa Pool C duel, habang ang Team Hiraya (Angono, Rizal) ay lalaban sa Volida Volleyball Club para makumpleto ang girls’ competitions ng 2:30 p.m.
Magsisimula ang boys’ match sa Justice CM Palma High School kontra Team Makati ng 4 p.m. sa Pool A, babanat ang Queen Anne School (QAS) laban sa Team Nagcarlan Laguna (NCL) ng 5:30 p.m. sa Pool D habang makakaharap ng MNHS-Antipolo City ang Philippine Christian University ng 7 p.m. sa pool B.
“Sa wakas, narito na ang PNVF U-18 championships at masaya naming inaanunsiyo na maganda ang pagtanggap sa amin at nakakatuwa,” saad ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara. “Naniniwala ako na makakahanap kami ng mahuhusay na manlalaro sa binagong pagbabalik ng torneo."
Dalawampung teams ang maglalaban sa girls’ section at 16 squads ang pumasok sa boys division.
Mayroong 4 pools sa bawat kasarian.
Ang labanan ay idaraos ng apat na sunod na Biyernes, Sabado at Linggo, ayon kay competition director Oliver Mora, kung saan ang medal round ay sa Marso 12.
Sa boys’ class, ang bakbakan ng Sabado ay Hermosa Volleyball Club laban sa Team Manila ng 1 p.m. sa Pool C, Junction Youth Organization vs. QAS ng 4:30 p.m. sa Pool D at Team Makati vs.Santa Rosa City(SRC) ng 6 p.m. sa Pool A.
Commentaires