top of page
Search
  • BULGAR

PNP, umaasang maibabalik si Guo sa 'Pinas

ni Angela Fernando @News | August 25, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Circulations / FB

Nagpahayag ang Philippine National Police na umaasa silang magkakaroon ng positibong pag-unlad upang maibalik si Alice Guo sa 'Pinas at harapin ang mga paratang laban sa kanya.


Ipinaalam ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na patuloy ang mga pagsisikap na hanapin ang tinanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac at ilang persons of interest, sa pakikipag-ugnayan ng PNP sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), at kanilang mga dayuhang katuwang.


“Hopefully, katulad sa kaso nina Cassandra Li Ong, at Shiela Guo, magkaroon din ng positive development at maiuwi natin si Alice Guo, pabalik ng bansa,” saad ni Fajardo.


Matatandaang inaresto ng mga otoridad sa Indonesia ang kapatid ni Guo at si Ong, ang otorisadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ni-raid sa Porac, Pampanga dahil sa umano'y mga ilegal na aktibidad. Ang dating Alkalde ay nahaharap sa mga kaso na may kaugnayan sa ni-raid na hub sa Bamban.


Samantala, binigyang-diin ni Fajardo na handa ang PNP na magbigay ng kinakailangang tulong mula sa pulisya kung hihilingin ito ng NBI. Ang mga pulisya ay nagpaubaya sa NBI hinggil sa kasong ito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page