ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021
Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang isinagawang send-off ceremony ng unang batch ng nurses mula sa PNP Health service sa Camp Crame, kahapon.
Sila ang nakatakdang tumulong sa mga ospital sa pagtugon sa COVID-19 pandemic na patuloy na kinahaharap ng bansa.
Kasabay nito, nilagdaan din kahapon ang kasunduan sa pagitan ng PNP at Department of Health para pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya sa paglaban sa banta ng COVID-19.
Ayon kay DOH-NCR Director Gloria J Balboa, may kakulangan sa manpower ng mga ospital para tumugon sa mga pangangailangan ng mga Covid patients, kaya malaki ang kanilang pasasalamat sa PNP.
Sinabi naman ni Eleazar na laging handa ang PNP na tumulong sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.
Ang unang batch ng mga nurse ay ide-deploy sa Cardinal Santos Medical Center.
Comments