PNP, aalisin na ang "full alert status"
- BULGAR
- Nov 2, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023

Inaasahan na tatanggalin na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang "full alert status" ngayong Huwebes, ika-2 ng Nobyembre, matapos ang matagumpay na barangay elections at pagdaraos ng Undas.
Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na binibigyan niya ng awtoridad ang mga lokal na komandante na magpasya kung mananatili o tatanggalin ang "full alert status", depende sa kalagayan ng mga itinalagang "areas of responsibility."
“Our full alert status will be until Undas, our uniformed personnel also deserve a rest, they also need to be their family,” sabi ni Acorda.
Sa ilalim ng "full alert status", kanselado ang mga leave upang matiyak ang 100 porsyentong pagdalo ng mga pulis para sa mga gawain kaugnay ng kapayapaan at kaayusan.
Higit sa 187,000 na mga pulis ang ipinadala upang tiyakin ang seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Na-deploy sila ilang araw bago ang Oct. 30 elections upang palakasin ang mga checkpoint at police visibility patrols.
Sa kabilang dako, higit sa 22,000 na mga pulis ang ipinadala upang ipatupad ang mga hakbang sa seguridad para sa Undas.
Sa ngayon, sinabi ni Acorda na wala silang natukoy na anumang banta sa kapayapaan at kaayusan sa anumang bahagi ng bansa, lalo na't natapos na ang halalan.
Gayunpaman, sinabi niya na sapat na bilang ng personnel ang mananatiling naka-deploy upang tiyakin ang seguridad ng milyun-milyong Pilipino na inaasahang babalik sa mga lungsod matapos ang mahabang bakasyon.
Kommentare