ni Chit Luna @Brand Zone | May 4, 2023
Kaakibat ng adbokasiya para sa isang “smoke-free future,” inanunsyo ng PMFTC. Inc, ang nangungunang kompanya ng tabako sa bansa, ang pag-deploy ng sampung (10) electric vehicles (EVs) para sa service fleet nito upang mabawasan ang “carbon footprint” ng kumpanya.
Sakop ng mga EVs ang pagserbisyo sa Pasig, Marikina at Rizal na naturing na areas of operation ng PMFTC.
“Our journey of transformation is naturally linked to our Sustainable Fleet initiative. Just as our ambition is to replace cigarettes with better alternatives as quickly as possible, we have a responsibility to have a net positive impact on society by reducing the environmental impact of our products, operations, and value chain. This is our commitment to become a major part of the Philippines’ shift towards electro-mobility,” ani PMFTC President na si Denis Gorkun.
Ang deployment ay naaayon sa plano ng Philip Morris International (PMI) na maging low-carbon sa pamamagitan ng carbon neutrality ng direct operations pagsapit ng 2025, at net-zero emissions ng value nito pagdating naman ng 2040.
PMFTC ang unang affiliate ng PMI na gagamit ng EVs. Ito rin ang unang kumpanya sa Pilipinas na nag-deploy ng fully electric vehicles para sa mga salesmen nito.
Ang EV fleet ay binubuo ng sampung 10 BYD T3 Mini Vans, na 100% electric logistics vehicles na may range na 250 km. Bawat EV ay may kapasidad na aabot ng 700 kilos. Ito ay suportado ng service center ng BYD na naka-base lamang sa NCR.
Sa paglimita ng pagdepende ng fleet nito sa tinatawag na fossil fuels, ang mga EVs ay tinatayang makakabawas sa carbon emissions ng 84,954 kg. bawat taon.
“Reducing consumption to cut greenhouse gas emissions, minimizing fossil fuel use and prioritizing nature-based solutions is us doing our part to make sure our employees, customers, and stakeholders to improve sustainability,” dagdag ni Mr. Gorkun.
Pinupunterya ng PMFTC na makapag-deploy ng sampu pang EV units bago matapos ang taon.
Pinaplano rin ng PMFTC na maging mas mainam pa ang telematics technology nito upang mapalaganap sa mga fleet drivers nito ang eco-driving behaviors, at mapabuti ang kaligtasan nito sa daan.
Comments