top of page
Search
BULGAR

Playboy na mister, takot ipahiya ni misis

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 25, 2023



KATANUNGAN

  1. May babae ako ngayon, pero hindi ito alam ng misis ko, wala siyang alam tungkol sa trabaho ko. Gayunman, napapansin ko sa mga tanong niya na parang nakakahalata na siya.

  2. Mahal ko ang asawa at mga anak ko, kaya ayokong mawasak ang aming pamilya. Oo, nambababae ako, pero wala akong planong mainlab sa kanila. Natatakot din ako na baka ito ang pagmulan ng malaking iskandalo at pagkawasak ng aming pamilya.

  3. Hindi n’yo man naitatanong, mataray, kontrabida at palaban ang misis ko. Kaya kapag nabisto niya ang kalokohan ko. Tiyak na magkakagulu-gulo ang tahimik naming buhay.

  4. Maestro, nais kong malaman kung ano’ng mga kasagutan sa aking mga katanungan, para maihanda ko rin ang aking sarili sa mga susunod na mangyayari.

KASAGUTAN

  1. ‘Yan ang tinatawag na fling. Kung saan, malinaw na makikita ang Guhit ng Pambababae o Guhit ng Panandaliang Pakikipagrelasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, mabisto man niya o hindi ang ginagawa mong kalokohan, ang nasabing pambababae ay siguradong hindi magtatagal. Hindi ito makakaapekto sa inyong pamilya, gayundin sa relasyon n’yong mag-asawa. Pero hindi ‘yun ang delikado, bagkus, ang mas nakakatakot ay baka dumating ang sandali na mawili ka sa pambababae dahil hindi ito nabibisto ng iyong misis, na siya namang huwag na huwag mong gagawin.

  2. Sapagkat, kahit matino at maganda ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, hindi mo naman dapat panghawakan ang pag-aanalisa na habambuhay na magiging matatag ang inyong pamilya. Dapat mo ring pansinin ang medyo nagulo o nabiyak na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, malinaw na indikasyon o tanda na bagama’t nakakalusot ang pambababae na ginagawa mo ngayon, ngunit kapag ito ay inulit-ulit mo pa, may tendency na manganib ang relasyon n’yo at tuluyang masira ang iyong pamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon nga sa kasabihan, “One is enough, two is too much, three is poison that can kill a person.” Sa kaso mo, Andy, ang isang pambababae ay ayos na, at pupuwede rin dumalawa, pero ‘di na para gawing tatlo at maraming beses pa. Tandaan mo, may mga bagay na nakatakda na, ngunit ‘wag mong hamunin ang kapalaran upang 'di na ito masira at mawasak pa!


0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page