Plastic barrier, inalis na ng Angkas
- BULGAR
- Mar 2, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | March 2, 2022

Ipinahayag ng Angkas, ang motorcycle ride-hailing firm ngayong Miyerkules, na inalis na nila ang mga plastic barriers na kanilang ginagamit habang hindi na rin kailangan ng mga commuters na magdala ng sarili nilang mga helmet, kasabay ito ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1.
Una nang ni-require ang personal helmets para sa tinatawag na hygienic purposes upang malimitahan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Sa ngayon, ang Angkas na uli ang magpo-provide ng mga helmet na gagamitin ng mga pasahero habang wala na ring mga plastic barriers sa pagitan ng driver at commuter.
Sa isang Facebook post, ayon sa Angkas, “No need to bring your own helmet...The barrier/shield will not be used anymore.”
Ang paggamit ng kontrobersiyal na plastic barrier, na isinusuot na gaya ng isang backpack ng mga drivers ay ipinatupad sa panahon ng pagsirit ng COVID-19 cases, kung saan umani ng matinding pagbatikos mula sa maraming grupo at mga commuters.
Comments