top of page
Search
BULGAR

Planong pag-ban ng kabataan sa combat sports, pagpupulungan

ni Gerard Peter - @Sports | December 9, 2020




Ipiprisinta ng 13 miyembro ng national sports association (NSAs) mula sa combat sports ang position paper nito sa pagkontra sa itinutulak na House Bill 1526 na nagbabawal sa minors na lumahok sa mga full-contact sports, ngayong Miyerkules ng umaga via virtual online platform.


Dadalo sa pulong ng 10:30 ng umaga ang mga pinuno ng 13 NSA martial arts sports, kabilang na si Sen. Juan Miguel Zubiri na presidente ng Arnis Federation of the Philippines at mga signatories ng iba’t ibang sports, gayundin ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Department of Education (DepEd), National Academy of Sports (NAS), Young Athletes Assistant Act, at PAGCOR bilang mga resource persons, habang haharap ang mga ito kina Ako Bicol Party lists representatives Alfredo Garbin Jr., Elizaldy Co at House Committee on Youth and Sports Development member Hon. Jake Vincent Villa ng lone district ng Siquijor.


Kabilang sa mga signatories ng position paper ay sina Pearl Managuelod ng Muay, Richard Lim ng Karate, Alvin Aguilar ng wrestling, Ed Picson ng boxing, Richard Gomez ng fencing, Princess Jacel Kiram ng pencak silat, Wharton Chan ng kickboxing, Dave Carter ng judo, Ferdinand Agustin ng Jiu jitsu, Pietro Paolo Claudio ng sambo, Rocky Samson ng taekwondo, at Julian Camacho ng wushu.


We compliment the vigilance and dutifulness of our honorable congressmen. However, the combat sports NSAs strongly oppose prohibiting minors from participating in combat sports competitions, whether full contact or semi-contact,” nakasaad sa naturang position paper.


Ipapaliwanag ng grupo ni Managuelod ang kahalagahan ng grassroots development at pagiging parte ng mga kabataan sa Youth Olympic Games (YOG), na ipinapakita ang mas pagpapalawak pa ng kaalaman ng mga athletes, coaches at officials ng kani-kanilang sport.“The combat sport NSAs actually drafted a position paper and sent to the committee. we stated our counter arguments there which is mainly on grassroots development, IOC games (YOG) and IF games supporting youth events, as well as the need to provide proper training and education for coaches and officials for all sports. We also emphasized the mandate of NSAs to handle all tournaments, whether private or government,” saad ng Muay secretary-general at bagong hirang na Philippine Olympic Committee (POC) board member na si Managuelod.

0 comments

Recent Posts

See All

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page