Dear Roma Amor - @Life & Style | July 13, 2020
Dear Roma,
Ako si Yeri, 30. Bago mag-lockdown, nag-resign ako sa trabaho bilang researcher. Wala akong balak maghanap ng lilipatan dahil bago pa ako mag-resign, plano ko nang mag-business. Ang problema, napurnada ang plano kong magtayo ang milk tea shop dahil sa lockdown. Mayroon na akong puwesto, kaunting renovation at ayos na lang, puwede nang buksan, kaso ngayon, nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ito dahil baka hindi ko mabawi ang ilalabas kong pera. Sa tingin mo, okay kayang ituloy ito ngayon? –Yeri
Yeri,
‘Ika nga, risky sumabak sa pagnenegosyo dahil hindi mo alam kung papatok ito, lalo pa ngayong may krisis. Pero kung nagdadalawang-isip ka, puwede mo namang ituloy ang plano mong negosyo, pero lagyan mo ng kaunting pagbabago. Halimbawa, for take-out o delivery lang ang mga produkto mo. Sa ganitong paraan, makakatipid ka sa kuryente o iba pang utilities dahil walang mag-i-istambay sa shop mo, gayundin, mababawasan ang exposure n’yo ng mga staff mo sa inyong kostumer. Easy lang, maraming paraan para makapagnegosyo ngayon. Good luck!
Comments