ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 23, 2024
FL LIZA, HINDI KAPATUL-PATOL, KAYA HINDI PINATULAN NI VP SARA -- Hindi pinatulan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang mga patutsada at atake sa kanya ni First Lady Liza Araneta-Marcos patungkol sa pagtawa ng bise presidente sa statement ni ex-P-Duterte na adik at bangag sa cocaine ang mister niyang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM).
Kumbaga, parang sinabi na rin ni VP Sara na hindi kapatul-patol ang mga patutsada ni FL Liza, kaya hindi na rin niya pinatulan, boom!
DOTr, NAGMIMISTULANG AHENTE NA NG MGA E-VEHICLE NA MADE-IN-CHINA -- Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay iminungkahi ng Dept. of Transportation (DOTr) sa mga motorista na mag-shift sa pagbili o paggamit ng mga electric vehicle.
Itong mga taga-DOTr mistulang ahente na ng mga e-vehicle na made-in-China kasi ganyan din ang ginawa nila sa mga tsuper at operator ng mga traditional jeepney, inaalok ng e-jeep para raw sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, at nang sabihin ng mga jeepney driver at operators na mahal ang presyo nito (e-jeep) at hindi nila kayang bumili, mag-loan at hulugan buwan-buwan, eh nagalit at ang resbak tatanggalan ng prangkisa ang mga traditional jeepney para hindi na makapamasada sa kalsada, tsk!
KAPAG TINULUYAN NG DOJ SAMPAHAN NG KASONG SEDITION SI CONG. ALVAREZ, MALAMANG MAUNA PA ITONG MAKULONG KAY EX-P-DUTERTE -- Pinag-aaralan na ni Sec. Boying Remulla ng Dept. of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong sedition si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kaugnay sa panawagan nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na i-withdraw na ang suporta kay PBBM.
Naku, eh kapag nagkataon, baka mas mauna pang makulong si Alvarez kaysa sa kaibigan niyang si ex-P-Duterte na may kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), abangan!
MGA PARTYLIST NG MGA TRAPO NA WALA NAMANG NIRE-REPRESENT NA MARGINALIZED SECTOR, DAPAT LANG HUWAG PALAHUKIN SA ELEKSYON --Plano raw ng Comelec na bawasan ang bilang ng mga partylist group na palalahukin sa midterm elections at ang tanging papayagan na lamang na lumahok sa halalan ay iyong mga partylist na tunay na kumakatawan sa mga marginalized sector ng lipunan.
Aba’y dapat naman, kasi sa totoo lang, karamihan ngayon ng mga representante ng mga partylist sa Kamara ay mula sa angkan ng mga trapo (traditional politicians) na wala namang nire-represent na marginalized sector, period!
תגובות