ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 3, 2025
Photo: Juan Karlos - Instagram
Marami ring netizens ang nag-react na sana raw ay inalam muna ng Iloilo City Council ang klase ng mga kanta ni JK Labajo bago nila ito kinuhang guest sa kanilang Dinagyang Festival.
Hindi raw porke’t ini-request ito ng mga tao ay agad na nila itong ibu-book for a live show, gayung kilalang ‘naughty at kakaiba’ ang aregluhan at kantahan ni JK.
Kaya hayun, sa nasabing performance nito ng isang hit song kung saan may mga “mura o pagmumura’ itong ginawa (part ng song na ERE) ay kinastigo ito at pinagagawa pa ng public apology.
Diumano’y nainsulto ng singer ang sensibilidad ng mga tao sa Iloilo City, lalo’t
itinuturing na isang “religious festivity” ang kanilang okasyon, kaya’t dapat lang na mag-sorry si JK.
As we write this, wala kaming balita kung nagawa na ito ni JK pero nakarating na nga raw ang naturang panawagan kay JK at sa management nito.
Well, sure naman kaming gagawin ‘yun ni JK pero ganu’n pa man ay dapat din itong magsilbing leksiyon sa mga organizers na kumukuha ng serbisyo ng mga celebrities.
Hindi porke’t sikat o kinahuhumalingan ang isang kanta o celebrity ay bagay na ito sa okasyon na ipinagdiriwang nila.
Marami ang humanga kay Miguel Tanfelix nang mag-tweet ito kay Zsa Zsa Padilla na nagrerekomendang “silipin” naman ang show na Mga Batang Riles (MBR).
Very vocal kasi lagi si Zsa Zsa sa mga pinanonood nitong TV series at dahil natapos na nga raw niya ang Lavender Fields, naghahanap siya ng bago.
Although nakapagrekomenda nga si Miguel bilang nagbibida siya sa GMA action series na MBR, hindi naman ito agad nabasa o nakita ng singer-actress.
Muli lang itong napag-usapan more than a week after dahil nakapag-post nga uli si Zsa Zsa (Zsasing) na mayroon na siyang bagong pinapanood na Incognito at gandang-ganda siya rito.
Dito na nga nag-post ang mga netizens na sana naman daw ay pansinin ni Zsa Zsa ang matagal nang inirerekomenda ni Miguel.
Hanggang makita at mabasa na nga ni Zsasing at sinagot nito ang aktor ng, “Thanks for the reco! Will watch it next! My apologies, did not see your
message earlier.”
There it goes! For sure, sisilipin ‘yan ni Zsa Zsa Padilla at tiyak din naming magugustuhan niya ang Mga Batang Riles.
MARAMING salamat naman po sa pamunuan at mga kasapi ng PMPC para sa nomination na ibinigay nila sa aming programang Marites University na umere sa AllTV last year.
Sa gaganapin nilang PMPC Star Awards for TV ngayong March 23, nakakuha ng nominasyon para sa kategoryang Best Showbiz-Oriented Talk Show ang Marites University na produced ng Scott Media.
Nakakuha rin ang apat na hosts ng programa kasama ang inyong lingkod ng nominasyon bilang Best Showbiz-Oriented Talk Show Host.
Sa ngalan po ng aming produksiyon, ng mga kasamahan kong sina Jun Nardo, Rose Garcia at Mr. Fu, maraming salamat po PMPC sa nomination.
Comments