ni Madel Moratillo | February 22, 2023
Ibinaba ng Department of Justice (DOJ) sa P10,000 ang piyansa para sa mahihirap na nahaharap sa kasong kriminal.
Sa isang department circular, inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga prosecutor na sa panahon ng inquest o preliminary investigation ay alamin kung ang respondent ay indigents at irekomenda ang mas mababang piyansa.
Sakaling mapatunayang guilty ito sa ginawang inquest o preliminary investigation ay 50% lang ng piyansa ang irerekomenda para rito o P10,000 o kung alin ang mas
mababa.
Hindi naman tinukoy sa DOJ circular ang nature ng krimen pero itinakda sa P10,000 ang cap bilang maximum na halaga para sa indigents.
Ayon naman kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, effective immediately ang nasabing circular.
Nabatid na ang nasabing reporma ay inirekomenda ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ginawang Justice Sector Coordinating Council noong Enero bilang solusyon sa jail congestion.
Tiniyak naman ni Remulla na magkakaroon ng safeguards ang circular na ito para hindi maabuso.
Comments