top of page
Search
BULGAR

PISTON, MANIBELA magsasagawa ng transport strike vs PTMP

ni Angela Fernando @News | Sep. 20, 2024



Editorial

Magsasagawang muli ng transport strike ang PISTON at MANIBELA na kanilang kinumpirma nitong Biyernes, mula Setyembre 23 hanggang 24 bilang protesta sa Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahalaan.


“Ilang beses nang nalantad ang kapalpakan ng PTMP sa Kongreso, kinatigan na rin ng Senado ang ating posisyon sa pagbabasura sa PTMP, pero nagmamatigas pa rin si (President Ferdinand 'Bongbong') Marcos Jr at ang kanyang mga alipores sa DOTr at LTFRB,” saad ni PISTON national Pres. Mody Floranda.


Binigyang-diin ng PISTON na layunin ng kanilang kilos-protesta na tugunan ang mga sumusunod na kahilingan ng sektor ng transportasyon: ibasura ang PTMP, kanselahin ang sapilitang pagsasama-sama ng mga prangkisa, ipagpatuloy ang pag-renew ng mga prangkisa at marami pang iba para sa kapakanan ng mga operator, driver at komyuter.


Matatandaang ang PTMP, o dating Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ay sinimulan nu'ng 2017 upang palitan ang mga tradisyunal na jeepney ng mga sasakyang may Euro 4-compliant engine upang mabawasan ang polusyon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page