ni Lolet Abania | January 3, 2023
Nag-isyu na ang Quiapo Church ngayong Martes ng mga panuntunan o rules and regulations na isasagawa sa gaganaping mga aktibidad kaugnay sa Pista ng Poong Itim na Nazareno 2023, kabilang na ang prusisyon ng “Walk of Faith” sa Enero 8.
Sa isang media conference, hinimok ng Quiapo Church ang mga lalahok sa pista na sundin pa rin ang mga health protocols laban sa COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face masks, madalas na pag-sanitize ng mga kamay at social distancing.
Nag-abiso rin ang Simbahan ng Quiapo sa mga partisipante na magdala ng kanilang government-issued IDs sakali mang magkaroon ng emergency.
Pinapayuhan naman ang mga indibidwal na may sakit, kabilang na ang may mas mataas na temperatura sa 37.5 degrees Celsius at blood pressure na mas mataas sa 130/80, gayundin ang mga nakararanas ng sore throat, tuluy-tuloy na pagbahing, mga pag-ubo at sipon, at loose bowel movement (LBM) na hindi na dapat dumalo sa naturang mga aktibidad.
Ipinagbabawal din sa aktibidad ang mga sumusunod na items:
• medium hanggang life size na imahe ng Nazareno
• istandarte o banners
• carriage o andas
• baril at deadly weapons
• pyrotechnic devices
• drone cameras
• professional cameras at video recorders
• selfie sticks
• malaking bags
• blankets, hampers, storage boxes
• portable appliances
• LPG at stoves
• tents, tables, at iba pang picnic items
• mga payong
• alcoholic beverages
• smoking at vaping
• laser pointers, large chains, spikes, at iba pang malaking metal objects
• scooters, skateboards, skates
• vehicles, motorcycles, bicycles
• heavy meals
• plastic at glass bottles
• food sticks
• pets o alagang hayop
• black plastics
• jackets
Ayon pa sa Quiapo Church, ang mga awtorisadong indibidwal lamang ang pinapayagan na mayroong command at emergency vehicles, sound system at bullhorn, UHF/VHF radio, satellite phones, tents, LED billboards, at mga pagkain para sa mga volunteers sa naturang pista.
Gayundin, ipinagbabawal ng Simbahan ng Quiapo sa mga participants na humalik sa mga imahe ng Black Nazarene upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Comments