top of page
Search
BULGAR

Piso taas-presyo sa petrolyo

ni Mai Ancheta @News | September 2, 2023




May nakaambang na panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Batay sa pagtaya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, posibleng tumaas ng 20 sentimos hanggang 40 sentimos kada litro ang kasalukuyang presyo ng gasolina; 80 sentimos hanggang piso kada litro naman sa diesel; at 90 sentimos hanggang P1.10 kada litro ang dagdag sa presyo ng kerosene.


Sinabi ni DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero na posibleng mabago pa ang projected oil increase depende sa magiging resulta ng huling araw ng trading sa linggong ito.


Ang napipintong oil price hike ayon sa opisyal ay dahil sa aksyon ng China na pagaanin ang demand ng petrolyo sa kanilang bansa, gayundin sa epekto ng hurricane Idalia na tumama sa oil production at power generation facilities sa Amerika at Gulf of Mexico na nagbunsod para higpitan ng Estados Unidos ang kanilang supply ng krudo.


Batay sa monitoring ng DOE sa retail price sa Metro Manila, ang presyo ng gasolina ay nasa pagitan ng P60 at P81.05 per liter; diesel nasa pagitan ng P58.95 at P72.20/liter; at kerosene sa pagitan ng P86.65 at P89.30 per liter.




0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page