top of page
Search
BULGAR

Pipiliin daw ang isa’t isa sa araw-araw… PRAMIS NI RURU: BIANCA, FOREVER KITANG MAMAHALIN!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 20, 2024


Showbiz News
Photo: Ruru Madrid / IG

Mukhang road to forever na nga sina Ruru Madrid at Bianca Umali. They just celebrated their 6th anniversary as a couple last July 18 at makikita sa kanilang anniversary greetings ang kanilang malalim na pagmamahal sa isa’t isa, na singlalim ng kanilang mga Tagalog words.


“Maligayang Anim na taon ng pagmamahalan, Mahal ko! (rose emoji).


“Sa loob ng anim na taon, napuno mo ang buhay ko ng saya at pagmamahal. Napakarami kong natutunan sa ‘yo, mahal ko, at binago mo ang buong buhay ko. Marami man tayong pagsubok na hinarap sa mga nagdaang taon, pero malinaw sa ‘kin na anuman ang mangyari, IKAW LANG ANG PIPILIIN KO, palagi at araw-araw.


“Ikaw ang liwanag sa mga madidilim na araw, ang lakas ko sa panahon ng kahinaan. ‘Pag kasama kita, pakiramdam ko’y, kaya ko ang lahat. Salamat sa bawat yakap na nagbigay sa ‘kin ng kapanatagan, sa bawat ngiti na nagpaalala sa ‘kin kung gaano ako kasuwerte, at sa bawat halik na nagpapatibok ng puso ko,” ang mensahe ni Ruru kay Bianca.


Nangako rin siyang forever niyang mamahalin ang nobya.


“Pangako kong mamahalin at poprotektahan ka habang buhay at hindi ako magsasawang pasayahin ka sa lahat ng pagkakataon. Kahit anong bagyo pa ang dumaan, ikaw at ikaw lang ang aking pipiliin, dahil ikaw ang tanging tahanan ng puso ko.


“Mahal na mahal kita, Maria Isadora Bianca! (heart emoji) @bianxa,” saad pa ng aktor.

Narito naman ang wagas ding pagbati ni Bianca for Ruru.


“Mahal ko - José, Araw-araw pinili, pinipili at pipiliin ko - IKAW at ang buhay na kasama ka. Nais kong ipaalam sa ‘yo na ikaw ang nag-iisang nagpapatibok ng aking puso. Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon ako ng pagkakataon na magmahal at mahalin ng ganito.

Mula nu’ng makilala kita, ang buhay ko ay tila nagkaroon ng bagong kulay at sigla.


“Salamat sa lahat, Mahal ko, sa mga araw na tayo ay magkasama. Alam kong hindi perpekto ang buhay natin, pero kasama ka, ramdam ko na kaya nating malampasan ang lahat. Anim na taon na tayo ngayon. Habang buhay naman ang sunod. Mula sa kaibuturan ng aking puso, hinding-hindi kita iiwan, iniibig kita nang lubos at wagas. 


“Nagmamahal sa ‘yo, Maria,” ang buong nilalaman ng liham ni Bianca Umali para sa boyfriend na si Ruru Madrid.


Inudyukan naman sila ng kanilang mga fans na magpakasal na at wish nila ay forever na talaga ang pagmamahalan ng dalawa.


M sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page