top of page
Search

Piolo Pascual at direk Joyce Bernal, tinanggihang mag-shoot sa Sagada

BULGAR

ni Lolet Abania | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Tinanggihan ng Sagada council sina Piolo Pascual at direk Joyce Bernal na makapag-shoot sa kanilang lugar dahil sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).


Ayon kay Vice Mayor Felicito Dula, ang OIC ng Sagada covid-19 task force, hindi pinayagan ang crew ni Bernal na mag-shoot sa tourist resort ng bayan dahil na rin sa strict quarantine na ordinance na ipinatutupad ng munisipalidad kahit pa may sulat mula sa Malacanang ng pagpayag nito sa gagawing shooting.


Sabi ni Bernal, dumating ang buong team niya sa Sagada Cellar Door at doon nagpahinga noong Linggo, July 5, kaya pinayagan silang magpaumaga.


Subalit, inasahang umalis ang convoy ni Bernal ng Lunes, July 6. Gayundin, ayon sa Sagada Municipality FB, tinawagan ng Malacanang Presidential Broadcast Staff-RTVM si Mayor James B. Pooten at ang MDDRMO upang hingin ang pagpayag nito sa pagsu-shoot nina Bernal, Pascual at buong crew, subalit tinanggihan ang kanilang request.


“Sagada, being a 5th class municipality, is not ready, specifically our health facilities, to accommodate the presence of a covid-19 positive case in the municipality,” sabi ni Dula.


“In these difficult times and in lieu of the foregoing reasons, we regret to inform you that the entry of the team is disallowed.”


Isa ang Sagada, sa mayroong pinakamahigpit na quarantine policy sa Cordillera, kaya marahil walang naitalang active COVID-19 case sa ngayon.


Nakarekober na ang naireport na kaso noong Huwebes sa Mountain Province.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page