top of page
Search

Friendship, iniintriga na naman… PIOLO AT KYLE, MAGKASAMANG UMUWI NANG DIS-ORAS NG GABI

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 16, 2025



Photo: Piolo at Kyle Echarri - Circulated


Marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa friendship ni Papa Piolo Pascual kay Kyle Echarri at sa pamilya nito.


Lagi na lang binibigyan ng kulay o malisya ang anumang napo-post sa social media, lalo’t madalas ngang nagkakasama ang dalawa, with their other tropa - sa gym, sa farm, sa lakwatsa at maging sa inuman.  


At kahit matagal na ang mga photos o videos, hinahalungkat pa rin ng mga netizens para lang may palutangin na kung ano.  


Just recently ay bigla ngang nag-pop up ang video ng pag-uwi ng dis-oras ng gabi nina Papa P at Kyle na tila galing sa inuman o sa isang event sa isang probinsiya.  


Pinagpiyestahan uli ito at may nang-bash pa sa young actor na nagsuplado umano sa isang bystander na nag-request ng photo op.  


Although ipinaliwanag na ngang kasama nina Papa P at Kylie ang tatay ng young actor at ilan pang malalapit nilang relatives, may mga ‘Pilita Corrales’ pa ring nag-i-insist ng kung ano.  


“Ganyan naman sa socmed (social media). Ipagpipilitan nila kung ano ang nais nilang palabasin o lagyan ng malisya. Family friends kami. Nama-magnify lang masyado kasi mga kilalang personalities ang involved,” sagot sa amin ng isa sa mga close friends nina Kyle at Papa P na kasama sa tropa.  


“Bakit hindi na ba puwedeng maging good friends ang mag-tito o mag-ama kung ‘yung edad namin ang pag-uusapan?” hirit pa ng source namin.


 

Mukha ng aktres, tinakpan sa tarpaulin…

FRANCHISE NG BAKESHOP NA NAMBASTOS KAY KIM, IPINASASARA



USAP-USAPAN sa social media ang ginawang pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa tarpaulin ad ng isang franchise ng Julie’s Bakeshop.  

Endorser si Kim ng naturang kilalang bakeshop, kaya hindi pinalampas ng mga

supporters ng aktres ang magtanong sa pamunuan nito kung wala raw ba silang ginawa sa tila pambabastos sa aktres.


Nangyari nga po ‘yan sa Indangan, Davao City branch at may nagsasabi pang mismong mga empleyado diumano ang may kagagawan nu’n.  


Obviously, may kinalaman nga iyon sa pag-call out at pag-bash nila sa sikat na aktres-host sa bintang nila sa isang bahagi ng It’s Showtime (IS), na kinlaro namang walang reference sa pagkakahuli ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.  


May mga panawagan ngayon ang mga supporters ni Kim na i-pull-out na rin daw sa naturang lugar ang branch ng bakeshop dahil hindi ito nagpapakita ng magandang business practice.  


“Pambabastos ang ginawa nila sa kanilang endorser na nakakatulong din naman sa kanilang negosyo,” sey pa ng mga netizens na nagsasabing may dapat panagutan sa main branch ang naturang franchise.


 

NAKAKATUWA naman ang pag-iibigan nina Michele Gumabao at Coach Aldo Panlilio.

Last month ay nagkaroon na sila ng Catholic church wedding bilang pagsunod sa tradisyon at relihiyon ng parents ni Coach Aldo na mga saradong Katoliko.  


Usapan na raw pala iyon ng bagong kasal bilang pagrespeto at paggalang sa kanilang mga magulang.  


Then nitong nakaraang linggo lang ay ang side ni Michele naman ang pinagbigyan dahil isang Christian wedding ang naganap sa Baguio City.  

Pero ang nakakaloka ay ‘yung pagpapa-convert daw ni Coach Aldo bilang Christian dahil nga sa pagmamahal nito kay Michele.  

“Nagpaalam naman si Coach sa parents and family n’ya. A matter of faith and belief naman talaga ang religion na siyempre pa, ‘love’ ang main ingredient. Let’s just give them the best of everything. God-centered talaga ang pagmamahalan nila,” saad pa ng isa sa mga VIP guests ng dalawa mula sa mundo ng sports.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page