top of page
Search
  • BULGAR

Pinuntahan sa Korea… MARIEL, PROUD NA MAY SELFIE SA KOREAN ACTOR NA SI PARK SEO JOON

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 15, 2024



Showbiz News


Inggit much ang mga Korean drama fanatics sa latest Instagram (IG) post ni Mariel Padilla. Paano ba naman, kasama nila ng panganay niyang anak na si Isabella sa picture ang South Korean actor na si Park Seo Joon (PSJ).


Kuha ang larawan nang pumunta si Mariel at ang panganay nilang anak ni Robin Padilla sa South Korea kamakailan.


“Oh did I mention that Isabella and I met PSJ in Korea? Our encounter with PSJ and a lot more is on my vlog!!!! Link is in my bio!!!! Our first Mother and Daughter trip (heart emoji),” ang caption ni Mariel.


Sa comment section ay maraming netizens ang napa-“Oh, my God!” sa inggit kay Mariel na kasama niya ang bida ng mga hit K-dramas na What’s Wrong with Secretary Kim, Hwarang, Itaewon Class, Fight for my Way among others.


Mapapanood naman sa vlog ni Mariel sa YouTube ang explanation kung bakit nila nakasama si Park Seo Joon. Ito ay dahil may commercial shoot ang South Korean actor bilang ambassador ng kumpanya kung saan ay isa sa mga distributors si Mariel ng mga produkto nito. 


Ayon kay Mariel ay binigyan siya ng travel incentive ng nasabing kumpanya sa South Korea.


Sa isa pa niyang post ay nagpasalamat din siya sa mister na si Robin dahil pinayagan daw silang mag-ina na umalis.


 

Ipinahayag ng frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na mas gusto niyang tumugtog kasama ang kanyang banda kaysa gumawa ng mga TV shows. Matatandaang naging judge si Chito ng Idol Philippines Season 2 nu’ng 2022 at naging coach ng The Voice Generations nu’ng 2023.


Sa kanyang mahabang Instagram (IG) post, sinabi niyang nami-miss naman niya ang mga nakatrabaho niya at nag-enjoy din naman daw siya doing these two shows.


“Nami-miss ko na si Stell, si Jules, si Billie at si Dingdong. Nami-miss ko na rin si Ate Reg, si Sir Gary, si Robi, and sige na nga, pati si Moi.


“I enjoyed being a coach sa The Voice Generations, and I also enjoyed being a judge sa Idol Philippines Season 2 but I am, first and foremost, the vocalist of Parokya ni Edgar,” aniya.


Sey pa niya, “Sobrang saya ng experience ko being a part of both shows.


“Honestly, I didn’t expect na mag-e-enjoy ako as much as I did (ayoko pa nga tanggapin nu’ng una, ‘di ba?) and sa totoo, napamahal talaga sa 'kin lahat ng mga nakilala at nakatrabaho ko on and off cam, both sa GMA and sa ABS, and I felt truly valued and appreciated on both shows/networks.


“Nasama pa nga ako sa Christmas Station ID ng ABS, eh, after Piolo Pascual, hahaha... akalain n’yo ‘yun?! (peace sign).


“Sobrang thankful talaga ako sa opportunity at sa overall experience na ibinigay nila pareho and I will forever be grateful.”


Pero, masyado raw kinakain ang oras niya ng mga shows na ito at hindi na nakakasama sa mga gigs nila ng kanyang banda.


“Pero, kahit sobrang solid ng experience, the schedule takes too much time away from my band. Dami ko kailangan i-give up na gigs, and ayoko maging unfair sa mga kabanda ko,” aniya.


“Kung ako lang, ang iisipin ko, okey na 'ko mag-taping sa studio at tumambay sa dressing room buong araw, tapos ang saya pa ng TF (talent fee). Pero paano naman ‘yung mga kabanda ko, at ‘yung mga staff and roadies namin.


“I could continue doing TV shows and make money for myself and my family, or I could

prioritize our gigs instead, and make enough money for everyone on our team, including their families,” patuloy niya.


Pero paliwanag niya, hindi ito tungkol lang sa pera at ang pagtugtog pa rin daw ang kanyang passion at gustong gawin.


Aniya, “But it’s not just about the money. Playing gigs is such a big part of our lives. That is who we are, and that is what we love doing.


“But more importantly, sa Parokya kasi, mas kontrolado namin ang sked namin, unlike sa TV, kailangan mo talagang mag-work around their sked.”


Ayon pa kay Chito ay mas gusto niya ngayon na makasama ang pamilya at tumugtog na kasama ang kanyang bandmates.


“And right now, nasa point ako ng buhay ko na mas trip ko na tumambay lang kasama ng pamilya ko, at tumugtog kasama ng mga kabanda ko.”


Sa huli ay sinabi rin ng asawa ni Neri Naig na hindi niya iiwan ang Parokya ni Edgar.


“Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol,” aniya.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page