ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 12, 2024
Natutuwa tayo dahil maging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay kinikilala ang halaga ng Pinoy street food sa pagpapaangat ng turismo ng bansa.
Isinulong ni Pangulong Marcos ang “Chibog” o food tourism sa kanyang vlog kamakailan.
Dito inisa-isa niya ang mga tanyag na pagkaing Pinoy na kinagigiliwan ng mga turista.
Bukod dito, hinimok rin ng Punong Ehekutibo ang ating mga kababayan na suportahan ang mga maliliit na negosyante na nasa food business.
☻☻☻
Una na nating iminungkahi na dapat tulungang maiangat ang kalidad ng mga pagkaing Pilipino dahil malaki ang potensyal ng food tourism sa ating bansa.
Isa rin itong epektibong marketing tool dahil ang mga street delicacies ng Pilipinas ay nag-aalok ng raw at authentic na experience sa mga turista.
Kung tutuusin, ang mga street food sa bawat probinsya o rehiyon ay nakakatulong sa ating mayamang culinary traditions at nagpapakita na rin ng kultura ng Pilipinas.
Hindi nga ba’t dapat nating kilalanin ang mga malikhaing street vendors dahil sa kanilang angking talento sa paggamit ng mga simpleng lokal na rekado at gawin itong mga masasarap na putaheng maituturing na truly Pinoy.
☻☻☻
Dahil dito, pinag-aaralan natin kung kailangang paglaanan ng dagdag na pondo para sa susunod na taon ang Department of Tourism (DOT), partikular na para sa pagsusulong ng food tourism sa bansa.
Bilang Senate Committee on Tourism chairperson, nais nating itaguyod ang food tourism at maisakatuparan ang malaking potensyal ng pagbibida ng local delicacies at street foods ng Pilipinas lalo na’t kadalasang hanap ng mga turista sa pagbisita sa isang lugar ang sumubok ng mga lokal na putahe ng pinupuntahan nilang lugar.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Коментарі