top of page
Search
BULGAR

Pinoy, na-harass na naman sa WPS.. Marcos, pumalag sa China

ni Mylene Alfonso | February 15, 2023



Ipinatawag kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Palasyo si Chinese Ambassador Huang Xilian.

Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Cheloy Garafil, ipinatawag si Huang ng Malacañang kasunod ng panunutok ng military grade laser ng Chinese Coast Guard sa PCG noong Pebrero 6, 2023 sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Sinabi rin ni Garafil na layunin na rin aniya na ipaabot ng Pangulo ang pagkabahala sa madalas at lumalalang mga aksyon ng China laban sa Philippine Coast Guard at sa mga Pilipinong mangingisda.

“The President summoned Chinese Ambassador Huang Xilian this afternoon to express his serious concern over the increasing frequency and intensity of actions by China against the Philippine Coast Guard and our Filipino fishermen in their bancas, the latest of which was the deployment of a military grade laser against our Coast Guard vessels,” banggit ni Garafil.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page