ni Gerard Peter - @Sports | June 15, 2021
Hindi pala pang-Pilipinas na korona ang nais makamit ng koponang Execration, kundi ang maging kampeon sa pandaigdigang kompetisyon.
Nakapaghiganti ang Execration laban sa Blacklist International sa Mobile Legends Southeast Asia Cup grand finals, 4-1, nitong Linggo, para sa kauna-unahang major title nito matapos ang nakapanlulumong pagkatalo sa ML:BB Professional League Season 7 noong isang buwan.
Isinelyo ng grupo nina Renz “Renzio” Errol Cadua (Experience lane), Patrick “E2MAX” James Caidic (Support), Kiel “Kielvj” VJ Hernandez (mid lane), Joshua “Ch4knu” Mangilog (tanker), Grant “Kelra" Duane Pillas (gold laner/core), at Billy” Z4pnu" Jazha Alfonso (6th man/Any role), ang best-of-seven championship title.
Paborito ang Blacklist na mapanalunan ang naturang kompetisyon na nanatiling walang talo sa MSC na nagawa ring talunin ang Execration sa unang laro.
Itinanghal na most valuable player ng MSC si “Kelra” Pillas kasunod ng mahusay na pagpapamalas ng 15 kills at 5 assists at 2 deaths habang gamit ang character na si Chang’e para pangunahan ang Execration sa series clinching na Game 5.
Hindi umubra ang mahigpit na depensa ng grupo ng Blacklist ng pabagsakin ni Kelra ang mga gamit nina Danerie James "Wise" del Rosario na Granger at Edward "Edward" Dapadap na Paquito upang mas ilapit sa tagumpay ang kanyang koponan. Dito naman nakakuha ng pagkakataon sina Kelra at Kielvj para wasakin ang base ng kalaban sa loob ng 15 minuto upang maipaghiganti ang 3-4 na pagkatalo sa MPL Philippines season 7.“I think the key to victory against Blacklist is [to] copy their strategy because it’s so strong against assassin metas and that’s why we banned the Aldous and give them the marksman and fight them with our assassin. We combine their [strategy] with their gameplay and I think that’s how we win against them,” E2MAX Caidic sa post-match press conference, na inamin nitong pinag-aralan na nila ang istratehiya ng Blacklist sa playoffs pa lamang.
Comments