ni Mary Gutierrez Almirañez | March 19, 2021
Pinapayagan nang makabalik sa Pilipinas ang lahat ng Pinoy na nagtrabaho, tumira at nagbakasyon sa ibang bansa, ayon sa memorandum na inilabas ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pinirmahan ni NTF Chairman and Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Huwebes, Marso 18.
Batay sa ulat, inilabas ang panibagong memo ngayong umaga matapos ang pagpupulong na isinagawa kahapon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kung saan nakasaad sa Memorandum Circular No. 6, Series of 2020 na mula sa ika-22 ng Marso hanggang sa April 21 ay suspendido muna ang pagpasok ng foreign nationals sa ‘Pinas maliban na lamang sa mga sumusunod:
• mga diplomat at miyembro ng internal organization kasama ang kanilang dependents na may valid visa
• mga foreign nationals na bahagi ng medical repatriation at may endorsement mula sa DFA at OWWA
• mga foreign seafarer sa ilalim ng ‘Green Lanes’ program
• mga asawa at anak ng Pinoy na bumiyahe sa ibang bansa na may valid visa
• mga kinatawan sa emergency at humanitarian cases na aprubado ng NTF Against COVID-19
Nauna nang iniulat ang paglimita sa mahigit 1,500 na mga biyaherong puwedeng makapasok sa ‘Pinas kada araw upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang magiging proseso sa posibleng pagdagsa ng mga balikbayan.
留言