top of page
Search
BULGAR

Pingris, naka-bra habang tumatakbo sa village

ni Gerard Arce - @Sports | December 23, 2021




Tulad ng kanyang ipinangako, tinupad ni “Pinoy Sakuragi” Marc Pingris ang sinabi sa social media post na tatakbo itong naka-bra sa oras na magkampeon ang Pilipinas sa M3 World Championships na kinalauna’y pinagtagumpayan ng Blacklist International para sa All-Filipino finals kontra Onic Philippines nitong nagdaang linggo.


Tumakbong suot ang isang black na bra ng 40-anyos na retired professional basketball player sa loob ng kanilang subdivision habang kinukunan ang sarili bilang patotoo sa binitawang pangako sa kanyang naunang post noong Dis. 11 sa kanyang Facebook account.


At ito na nga... dahil nanalo kayo at nagpromise ako ito na tinupad ko na.


Tumakbo ako sa village namin kanina na kakaiba ang suot. Katuwaan lang to guys.


Proud lang talaga tayo sa naabot ng team nila,” pahayag ng 9-time PBA champion sa caption ng FB page. “Blacklist international congrats sa inyo, katulad ng promise ko, tumakbo akong naka-bra sa village namin kahit nakakahiya. Congrats din sa Onic kahit di kayo nag-champion, para sa amin nagchampion na rin kayo. Shout out sa misis ko kahit na nakakahiya kailangan kong gawin ito. God Bless sa Onic (Philippines),” saad ng 2-time PBA Finals MVP nung 2006 Philippine Cup at 2013 Governor’s Cup.


Pinatumba ng Blacklist Int'l sa lower bracket ang Onic Esports ng Indonesia, Keyd Stars ng Brazil, RRQ Hoshi, EVOS SG at ang BTK bago tapusin ang Onic Philippines sa finals sa dominanteng 4-0.


Ang Blacklist ang ikalawang Filipinong koponan na kumopo ng world title kung saan hinirang na Finals MVP si Kiel “Oheb” Soriano, kasama ang iba pang miyembro na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Danerie James “WISE” Del Rosario, Edward Jay “Edward” Dapadap, Salic “Hadji” Imam, Mark Jayson “ESON” Gerardo, at Dexter Louise “DEX STAR” Alaba.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page