ni VA - @Sports | February 11, 2022
Pagkalipas ng anim na taon matapos ang huling paglalaro niya sa national men's basketball team, nagbabalik sa Gilas Pilipinas si Marc Pingris.
Sa pagkakataong ito, ang manlalarong nanguna sa pagsasabuhay ng sigaw sa laban ng Gilas na "Puso!" mula noong 2013 hanggang 2016 ay nagbabalik bilang bahagi ng coaching staff ng koponan pagdating ng second window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Kinumpirma ni Gilas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy executive director Butch Antonio ang pagbalik ni Pingris mula ng huli itong naglaro sa Gilas noong 2016 Olympic Qualifying Tournament-Manila.
Mahahanay si Pingris sa Gilas coaching staff ang iba pang assistant coaches ni head coach Chot Reyes na sina Josh Reyes, Jong Uichico at Nenad Vucinic. Dahil dito, pansamantalang iiwan ni Pingris ang trabaho bilang commissioner ng Pilipinas Super League kina league president Rocky Chan, vice president Rey Alao at deputy commissioner Chelito Caro. “We are supporting Comm Ping’s decision kasi it’s for the country,” saad ni Chan.
“We are 100-percent behind him!”
Comments