top of page
Search
BULGAR

Pinayuhan ng madir na iwan na ang mister.JENNICA, DEDMA KAHIT TODO-PAKIUSAP SI ALWYN NA BALIKAN NIYA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 17, 2021



Instagram / alwynzky


Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pagpo-post ni Alwyn Uytingco sa kanyang Instagram account ng pagmamahal niya sa asawang si Jennica Garcia-Uytingco.


Nitong Miyerkules ng hapon ay ipinost ng aktor na umaasa siyang magkakaayos sila ng ina ng kanyang dalawang anak na sina Athena Mori at Alessi at sila pa rin ang magkakasama hanggang dulo.


Ang nakakaantig ng damdaming post ni Alwyn sa larawang magkakasama sila nina Jennica, Alessi at Athena Mori, “Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko. Na balang araw, maging maayos na ang lahat. Alam ko hindi magiging madali. Alam ko, marami ang kailangang harapin. Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa 'kin sa dulo.”


Ayon sa ilang netizens, sana raw ay idinaan ni Alwyn thru private message o kaya personal niya itong sinabi kay Jennica.


Ayon kay @freiyah8894, “Sana, sinabi mo ‘yan sa kanya kahit thru message or call lang, rather than post it.”


Kinontra naman ito ni @czarigirl, “Give it him the chance to express to the world what he feels for @jennicauytingco, sigurado naman na naiparating niya kay Jennica ang laman ng puso n'ya.”


Naunang ipinost ni Alwyn ang larawan ni Jennica na may hawak itong pumpon ng rosas at sunflower limang araw na mula ngayon at sinabi nitong mahal na mahal niya ang ina ng mga anak.


Dedma lang si Jennica, pero ang ina ng aktres na si Jean Garcia ang sumagot sa post ng manugang.


Post ni Jean, "It’s time to say goodbye. You can love someone with all your heart, but if they’re not going to be a good person for you, in your life… Then it’s time to just say goodbye.”

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page