top of page
Search
BULGAR

Pinay vlogger na may million views, Bea… JERALDINE BLACKMAN, UMAMING FINOLLOW NI DOMINIC SA IG, SUPER-KILIG

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 24, 2024



Showbiz Photo
File photo: Dominic Roque / IG - Jeraldine Blackman / FB

Endorser na rin ng Beautederm beauty and skin care products ang sikat na internet sensation-Pinay vlogger na based in Australia na si Jeraldine Blackman.


Kilala ang Beautederm na pag-aari ng super-bait at very generous na CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pagkakaroon ng mga A-list endorsers tulad ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Sam Milby, Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez at marami pang iba.


Kaya naman, kinantiyawan si Jeraldine o Ms. Je for short na level-up at artista level na rin siya ngayon dahil kahanay na nga niya ang mga sikat na celebs na endorsers ng Beautederm.



Hindi naman makapaniwala ang Ilokanang vlogger na tubong-Ifugao bago nakapag-asawa ng Australian named Josh Blackman na celebrity at endorser na siya ngayon dahil nag-e-enjoy lang daw siya sa pagba-vlog ng mga ganap sa kanilang pamilya, pero ngayon may nagtiwala na sa kanya para mag-endorse at skin care product pa.


Ayon naman kay Ms. Rei, bukod sa pagkakaroon ng maraming followers ng Blackman family sa social media, ang pagiging sincere at mapagmahal sa family ang nagustuhan niya kay Jeraldine kaya kinuha niyang endorser. 


Pareho raw silang family-oriented at naniniwala siyang malaking tulong si Ms. Je para maipakilala sa mas marami pang Pinoy sa Australia at sa iba't ibang dako ng mundo ang pagiging effective skin care product ng Beautederm.


Kahit kasi hindi tisay at morena lang si Jeraldine, ang lakas ng appeal niya at pang-beauty queen ang datingan. Super-daldal din nito at very convincing kaya tiyak na kapag nag-promote ito ng Beautederm products sa kanyang socmed accounts ay maraming maeengganyo.


In fact, pag-amin nga ni Ms. Rei, nadagdagan agad ng 15K ang mga followers niya nang kunin niya si Jeraldine Blackman as endorser.

Million views nga naman lagi ang mga videos ng Blackman family sa IG at iba pang socmed accounts dahil super-cute ng mga anak nina Jeraldine at Josh na sina Nimo at Jette. 


Four years old pa lang si Jette na kasama ni Ms. Jeraldine sa contract signing niya for Beautederm last Wednesday pero nagbabadya na itong maging future beauty queen, ha?!


Natanong nga namin si Ms. Je kung payag ba sila ng husband niyang mag-artista si Jette kung may kukuha rito ngayon at aniya, although nakakatuwa ang idea na 'yun, kailangan pa rin nilang pag-usapan ng mister dahil gusto nila, kung papasok man si Jette sa showbiz, 'yung sariling desisyon na nito at hindi galing sa kanila.


Pero kung si Jeraldine raw ang kukuning maging TV host, game naman ito lalo't very supportive rin ang kanyang Australian husband.


Samantala, kilig to the bones at abot-tenga ang ngiti ng Pinay vlogger nang amining talagang kinilig siya nang makitang nag-follow sa kanya sa Instagram ang ex-boyfriend (?) ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.


Agad-agad, nag-follow back daw siya rito, although ani Jeraldine, alam naman niyang ang anak niyang si Jette ang talagang gustong i-follow ni Dominic.


Guwapung-guwapo si Jeraldine kay Dominic. Pero ang nakakatawa sa Pinay vlogger, nang makita si Ejay Falcon sa launching niya as endorser ng Beautederm — bilang support ng ngayon ay vice-governor na ng Oriental Mindoro kay Ms. Rei Tan — at nang papiliin si Je between Dominic at Ejay, ang mister ni Jana Roxas ang pinili niya, hahaha!


By the way, ang mga bagong produkto ng Beautederm na ine-endorse ni Jeraldine Blackman ay ang Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum na available at Shopee, TikTok, Lazada, and Beautéderm stores nationwide. 


Inanunsiyo nga rin pala ng Beautéderm CEO na si Ma'm Rhea Tan ang partnership niya sa Bb. Pilipinas organization.


Meaning, sila na ang official skin care partner ng mga finalists sa Bb. Pilipinas 2024.

Bongga!!!




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page