ni Lolet Abania | September 13, 2020
Isang Filipina transgender ang pinalad na magwagi sa kauna-unahang international pageant na Miss Trans Global 2020.
Si Mela Franco Habijan, 33-anyos, na representative ng bansa sa Miss Trans Global 2020, ang nakatanggap ng crown at kinilalang Eloquent Queen of the Year. Napili si Mela ng anim na judges na nagbigay sa kanya ng 60/60 score.
Kasunod si Rebeckah Loveday ng Australia, 59/60 score at Semakaleng Mothapo ng South Africa, 57/60 score. Bago sumali sa pageant si Mela na dating tinatawag na Erick, isa siyang entertainment writer sa ABS-CBN, aktres, performer, negosyante at kilalang advocate ng LGBTQ.
Taong 2014 ang naging turning point ni Mela para pasukin ang beauty pageant. Nakita niya sa sarili ang manifestation ng isang babae. “Ang nasabi ko lang sa sarili ko, ang ganda mo,” sabi ni Mela. “I felt so comfortable. That night, I just enjoyed everything.” Gayundin, suportado si Mela ng kanyang ama sa lahat ng vision niya sa buhay.
“If you think you’ll be a better person as a woman, go live your life,” sabi ng tatay ni Mela. Sa ngayon, ini-enjoy pa ni Mela ang pagkapanalo bilang unang transgender queen.
Commentaires