top of page
Search
BULGAR

Pinatutsadahan ni Direk Darryl… CHERRY PIE, INIWAN NA NI EDU

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 23, 2023



Sa March 1, 2023 pa ang tapatan sa mga sinehan ng mga pelikulang Martyr or Murderer at Oras de Peligro pero ngayon pa lang, mainit na ang sagutan ng dalawang direktor ng magkalabang pelikula sa takilya.


Unang naglitanya at nagpakawala ng salitang "sinungaling" si Direk Joel Lamangan sa nakaraang grand presscon ng Oras de Peligro two weeks ago, kung saan ipinagdiinan ng veteran director na naniniwala siyang maling impormasyon ang gustong ipakita ni Direk Darryl sa pelikula nito na tungkol sa pamilya Marcos.


Sinang-ayunan naman siya ng mga lead stars ng Oras de Peligro na sina Cherry Pie Picache at Allen Dizon kung saan matatandaang naging controversial pa nga ang one-liner ng aktres na "May kunsensiya pa ba siya?" na patungkol kay Direk Darryl.


Ngayong ang MoM naman ang nagpo-promote ng kanilang pelikula, si Direk Darryl naman ang nag-ingay at viral na ang video ng matapang na pahayag nito laban kay Direk Joel, na nu'ng una'y sinabi niyang mentor niya kaya iginagalang niya at ayaw nang patulan pa.


Pero mukhang na-trigger nga si Direk Darryl at pinalagan ang hirit ng kabilang kampo na ang MoM ang tumapat sa playdate ng Oras de Peligro na March 1, kaya ayan, tumalak na rin ang batambatang direktor.


Aniya, "Direk Joel, 'wag po nating lokohin ang mga tao. Ang tanda-tanda mo na, sinungaling ka pa!


"'Wag mong … Ang hindi ko pagsasalita laban sa 'yo ay kabaitan, hindi karuwagan.


"'Wag mong sasabihin na ang mga producer ay takot na pondohan ka dahil Anti-Marcos ka.


Walang ginagawa ang gobyernong ito para sikilin ang media at ang cinema.


"Kaya natatakot ang mga producer kasi natatakot sila dahil baka mag-flop ka, ganu'n lang 'yun.


Natatakot silang i-approve ang iba kong mga projects kasi baka mag-flop."


Hindi pa ru'n nagtapos ang nangangagat na pahayag ni Direk Darryl. Dagdag nito, "Tigilan na natin ang panloloko at pantatanga sa mga Pilipino!


"Kung wala itong mga recording na ito, magmumukha na naman akong sinungaling at talagang tumatapat sa inyo.


"Wala po akong awards kahit isa, wala po akong panama sa laki ng pangalan n'yo, Direk Joel.


I look up to you, even to you Ms.Cherrie Pie, 'noh.... I do still have screen shots d'yan, eh, all over, but you know , please.... 'wag tayong ano..."


At patuloy pa niyang mensahe para kina Direk Joel, Ms. Pie at Allen, "Direk Joel, Cherry Pie, even Allen Dizon, hindi naman ginawa para tapatan, parang 'di naman talaga, parang nagkataon lang. Ang paplastik n'yo naman! Ang tatanda n'yo na, mga sinungaling n'yo pa!


"Mas may dignidad kung sasabhin ninyong 'Oo, sinabayan namin, kasi eto 'yung paninindigan namin! Ganu'n ang gusto ng mga Pilipino ngayon, 'noh! Bakit n'yo sila pagsisinungalingan na tumatapat kami sa inyo, natatakot kami sa inyo?" mahabang litanya pa ni Direk Darryl.


Samantala, may nabanggit din si Direk Darryl patungkol kay Cherry Pie na nag-iwan ng tanong sa amin — patutsada niya kaya 'yun sa napabalitang hiwalay na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano?


Sabi kasi ni Direk Darryl, “Kung ako po sa inyo, Miss Cherry Pie… nanood ako kanina ng Tanging Yaman kasi gustung-gusto ko siya doon para lang hindi ko siya pagsalitaan nang masakit. Ang kaibahan lang sa Tanging Yaman, hindi siya iniwan ni Edu doon. Asawa kasi siya ni Edu doon."


Actually, kahit nu'ng Valentine's Day ay may mga nagtatanong na sa IG post ni Ms. Pie kung saan ipinagmalaki niyang binigyan siya ng anak ng 3 red heart balloons kung sila pa ba ni Edu dahil wala na silang mga posts lately.


Dedma naman ang aktres sa mga nagtatanong at walang sinagot.


Pero kahapon, nakita naming nag-post si Edu sa IG niya ng poster ng Oras de Peligro at ipinromote ang movie ni Pie. Nag-reply naman ng 3 red heart emojis ang aktres.


Hmmm… baka naman nagkaroon lang sila ng LQ?! LQ talaga?! Mga bagets lang?! Hahaha!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page