top of page
Search
BULGAR

Pinatitigil ng doktor… SHARON, MAY PROBLEMA SA ILONG AT LALAMUNAN

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 19, 2023



Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sharon Cuneta ang update sa kalagayan ngayon ng kanyang kalusugan.


Noong Lunes, July 17, ay pumunta pala siya sa kanyang doktor sa St. Luke's BGC upang magpa-checkup.


Habang nandoon daw siya ay may ipinasok na kamera sa kanyang ilong, pati na rin sa bibig niya.


Dito na nga napag-alaman na sobrang barado pala ng ilong ni Sharon at maging ang kanyang lalamunan ay namamaga na rin.


Buti na lamang at nagpa-checkup siya dahil papunta na raw sa infection ang kanyang kondisyon, kaya ang dami raw niyang kailangang inuming gamot.


Nasanay lang daw kasi si Sharon sa pakiramdam na parang palaging barado ang kanyang ilong, kaya't ‘di na muna niya naisipang magpakonsulta sa kanyang doktor.


Feeling pa ni Sharon, ang paiba-ibang kondisyon ng panahon sa tuwing may shooting siya ang naging dahilan sa pagkakaroon niya ng baradong ilong at pamamaga ng kanyang lalamunan.


Bago pa raw mag-guest si Sharon sa E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay iba na raw ang pakiramdam ng kanyang lalamunan, na ipinaalam na rin niya sa shooting nu'ng isang gabi.


Kaya nu'ng pinakanta siya ng Bituing Walang Ningning sa nasabing noontime show ng TVJ ay wala siyang boses at pumiyok pa siya sa mga matataas na part ng kanta.


Ang health condition ngayon ni Sharon ay dulot ng fatigue at stress-induced, kaya pinayuhan daw siya ng doktor na ipahinga muna ang boses niya for one week.


Ipinahayag ng mga fans ni Sharon ang pag-aalala sa kanilang idolo. Ipinagdarasal daw nila na gumaling na agad ito.


Sana raw ay ‘wag masyadong pagurin ni Sharon ang sarili at magpahinga pa rin kahit sobrang busy ang schedule niya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page