top of page
Search
BULGAR

Pinasusunod pa abroad… JANE, NIYAYA SI JANELLA NA MAGTABI SILA SA KAMA

ni Ambet Nabus @Let's See | July 1, 2024



Showbiz News

Hmmm… nakita ng mga netizens ang convo nina Jane De Leon at Janella Salvador tungkol sa pagtatanong kay Jane kung kailan ito uuwi ng bansa?


Sa nasabing convo, maririnig pang pinasusunod ni Jane (na abroad that time) si Janella at puwede naman daw silang magkatabi sa kama dahil malaki ang higaan ni Jane.


Maraming kinilig, marami ring nagtataka at nagugulat. Pero noon pa naman kasi, may mga ganitong “tsikahan” ang dalawa na ewan nga kung parte ng kanilang friendly talks o sadyang nakukulayan nga.


May iba pa silang kumakalat na convo na maaamoy mong baka nga more than friends lang sila, pero hahayaan na lang po natin sa kanila ang anumang pag-amin na meron lalo’t may latest music video si Janella Salvador na si Jane De Leon din ang kasama.


Baka nga naman promo lang, ‘di ba?


 

NAKAKATUWA rin itong si Ryan Bang. 


After nga nitong tila maging laging sawi sa love life niya, aba’y bigla ngang engagement agad ang sumunod sa only published girlfriend niyang si Paola Huyong.


Nag-propose na nga ang actor-host kay Paola last June 29 at base sa aming pagkakakilala kay Ryan, indeed for goods na nga ito, lalo’t tanggap na tanggap ng kani-kanilang pamilya ang bawat isa.


Si Paola rin ang business partner ni Ryan sa kanilang restaurant business at mukhang perfect nga ang tandem nila.

Congratulations!


 


ISANG malaking halimbawa ng entitled netizen ang isang Daniel Padilla fan na tila maraming alam sa buhay ng pamilya nina Daniel, hahaha!


Natawa na lang kami nang mabasa namin ang tila komentong-payo ng isang netizen hinggil nga sa planong pagbebenta ng naipundar na bahay nina Karla at Daniel sa Quezon City (QC).


Kesyo sayang daw at puwede namang patingnan na lang ito sa relatives, lalo’t ‘yun nga raw ang kauna-unahang naipundar ni Daniel from his showbiz works.


Dahil meron na ngang nabiling bagong house sa may South sina Daniel, kaya’t impractical pang mag-maintain ng ibang bahay, kaya’t ibebenta na lang ‘yung sa QC.


Pero mukhang marami ngang alam ang naturang netizen kaya’t ultimo ang planong pagbebenta ng property ay pinanghihimasukan pa. Hahahaha!

Good thing, sinopla ni Karla Estrada ang naturang entitled fan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page