ni Angela Fernando - Trainee @News | April 25, 2024
Nag-conduct ang 'Pinas, United States at France ng isang multilateral maritime exercise sa West Philippine Sea bilang bahagi ng Balikatan 2024.
“As we speak, nagse-set sail na po 'yung mga barko natin (our ships are already setting sail), from here sa Puerto Princesa,” saad ng Armed Forces of the Philippines’ (AFP) Western Command (Wescom) spokesperson Captain na si Ariel Coloma.
Nagtungo mula sa Palawan ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy, isang offshore patrol vessel, at ang BRP Davao del Sur, isang Landing Platform Dock — ang Marine Nationale (French Navy) frigate na FS Vendémiaire at ang US Navy amphibious warfare ship na USS Harpers Ferry na ilan sa mga lumahok na warship, ayon kay Coloma.
Kinumpirma rin ni Coloma na mag-uumpisa agad ang mga ito pagdating sa eastern coast ng Palawan.
Comments