@Editorial | July 02, 2021
Good news ang hatid ng buwan ng Hulyo.
Ayon sa Department of Health (DOH), nailagay na sa “low risk classification” ang Pilipinas kaugnay sa COVID-19 cases.
Batay sa DOH Epidemiology Bureau, ito ay dahil sa negative growth rate ng mga kaso gayundin ang mababang average daily attack rate o ADAR.
Nakapagtala umano ng negative 9 percent growth rate sa bansa sa huling dalawang linggo, kumpara sa 15% growth rate sa mga nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.
Samantala, ang ADAR sa bawat 100,000 populasyon sa nakalipas na dalawang linggo ay nasa 5.42 na mababa sa sinundan na 5.96.
Ikinukonsiderang “high risk” kapag umabot sa 7 per 100,000 population ang ADAR.
Masasabing magandang senyales ito sa papasok na Kapaskuhan, nakakagaan ng pakiramdam at makapagbibigay ng positibong pananawa sa bawat isa.
Ito na ang bunga ng pag-iingat at disiplina ng bawat isa. ‘Ika nga, maaaring nariyan na ang COVID-19 at hindi na mawawala, ang tanging magagawa natin ay sabayan ang sitwasyon.
Sa haba ng panahon na nakikipaglaban tayo sa nakamamatay na virus, siguro naman ay marami na tayong natutunan. Mula sa pag-aalaga sa ating kalusugan hanggang sa pag-iingat sa ating mga mahal sa buhay.
Samantala, ngayong low risk na ang bansa sa COVID-19, huwag sana itong maging dahilan para magpakampante at magpabaya. Tuloy lang sa pagsunod sa mga health protocols at mas maging maingat, responsable at disiplinado.
Comentarios