ni Gina Pleñago @News | Mar. 4, 2025

Photo File: Chief Usec. Gilbert Cruz sa ilegal na POGO - PAOCC
Nababahala si Presidential Anti Organized Crime Commission Chief Usec. Gilbert Cruz na posibleng ginagawang taguan ng mga wanted sa China at ibang bansa sa Southeast Asia ang illegal POGO sa bansa.
Sa pamamagitan ng biometrics, nakumpirma ang 13 fugitives mula sa China na may kasong illegal gambling, online fraud at online scamming na kabilang sa mga nahuling 400 banyaga sa na-raid na The One Wheels Condominium o ang guerilla type POGO o scamming hubs sa Pasay.
Ang mga naaresto ay mula China, Korea, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Cambodia, Myanmar at Madagascar, at na-verify ang 13 wanted mula China sa pamamagitan biometrics.
Comentarios