ni Julie Bonifacio @Winner | February 17, 2023
Pinalagan ni Senador Robinhood Padilla ang konteksto ng paglalarawan sa mga Pinoy sa foreign film na may titulong Plane. Kaya, hiniling niya sa Senado na ipatigil ang pagpapalabas sa pelikulang ito na pinagbibidahan ng sikat na Hollywood action star na si Gerard Butler.
Ang kuwento ay tungkol sa isang international plane called Trailblazer na nag-force landing sa bandang Davao nu’ng aksidenteng tamaan ng kidlat ang eroplano.
"Alam n'yo po, napakasakit," saad ni Sen. Robin.
“Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksiyon.
"At sinabi pa rito, ‘They went down somewhere down in the Jolo cluster. It’s run by separatists and militias. The Filipino armies weren’t there anymore.’"
Suhestiyon ni Sen. Robin sa Senado, hindi raw dapat tanggapin ang ganitong uri ng pelikula sa ating bansa.
"Sana po, nakikiusap ho tayo sa ating MTRCB na sana po, sa mga ganitong ganap, kumakatok po tayo sa opisina nila. Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”
Agad namang sumagot ang MTRCB sa panawagan ni Robin at naglabas sila ng official statement, "We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, Plane.
Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re-evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people."
Iba naman ang naging pananaw ng mga bashers ni Sen. Robin.
“Robin Padilla 'pag may bumagsak na eroplano sa parteng 'yan ng Pilipinas. 80% puwede naman talagang mangyari 'yan! 'Wag na magmalinis. MIM n'yo nga, pilit n'yong inilabas sa buong mundo.”
“Nakakatawa naman 'to. Movie lang 'yun, sa Tagalog, eh, kathang-isip, istorya lang. Mas matindi pa nga 'yung totoong nangyayari. Konting utak naman sana.”
“Eh, sa mga pelikula mo, ok lang? 'Di kasi siguro pang-international. Instead mag-focus sa mga issues na mas nakakaapekto sa sambayanan, 'yan pa talaga inatupag. Dami namang time mag-movie marathon. The No. 1 senator everyone."
“Hay naku, sa napakadaming problema ng bansa, 'yung Plane talaga binigyan niya ng oras."
“Pelikula lang 'yan, kathang-isip. Ang daming mas mahalagang dapat seryosohin, Sir. Ang daming dapat asikasuhin. Sayang naman ibinabayad naming buwis.”
‘Yun na!
Комментарии