ni Mary Gutierrez Almirañez | June 4, 2021
Magbibigay ang America ng 80 million doses ng COVID-19 vaccines na hahatiin sa iba’t ibang bansa bago mag-Hulyo, at ang 75% nito ay ipamamahagi sa ilalim ng COVAX program, ayon kay United States President Joe Biden.
Aniya, magdo-donate ang America sa mga prayoridad na bansang sakop ng Latin America, Caribbean, South Asia, Southeast Asia at Africa, kung saan laganap ang virus. Paraan aniya iyon upang masugpo ang pandemya.
"We are sharing these doses not to secure favors or extract concessions. We are sharing these vaccines to save lives and to lead the world in bringing an end to the pandemic, with the power of our example and with our values," sabi pa ni US President Biden.
Naglabas din ng pahayag ang White House sa kanilang website, kung saan mababasa na kabilang ang ‘Pinas sa makatatanggap ng donasyon.
Batay dito, “Approximately 7 million (doses) for Asia to the following countries and entities: India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Philippines, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Papua New Guinea, Taiwan, and the Pacific Islands.”
Dagdag nito, “The Administration announced its framework for sharing at least 80 million U.S. vaccine doses globally by the end of June and the plan for the first 25 million doses.
“This will take time, but the President has directed the Administration to use all the levers of the U.S. government to protect individuals from this virus as quickly as possible. The specific vaccines and amounts will be determined and shared as the Administration works through the logistical, regulatory and other parameters particular to each region and country,” pagtatapos pa ng kanilang statement.
Sa ngayon ay Pfizer pa lamang ang American brand COVID-19 vaccines na nakarating sa ‘Pinas. Inaasahan namang darating ang 300,000 doses ng Moderna sa ika-21 ng Hunyo.
Matatandaang mas dinumog ng mga Pinoy ang rollout ng Pfizer kumpara sa ibang brand na inaaloka sa bansa, kaya nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na Pfizer ang gagamitin sa indigent population.
תגובות