ni Angela Fernando @Entertainment News | August 2, 2024
Tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad ng lokal na produksyon ng foot-and-mouth disease (FMD) vaccines upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa industriya ng livestock sa 'Pinas.
Sinabi ng Department of Agriculture nitong Biyernes na bumuo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng isang technical working group upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng bakuna sa bansa.
Bagaman kinilala na ng World Organization for Animal Health na FMD-free ang Pilipinas mula pa nu'ng Mayo 2014 kahit walang vaccination practice, nakikita pa rin ni Laurel ang posibilidad na magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya kung magkaroon ng outbreak ng nasabing sakit sa mga hayop sa bansa.
Samantala, kinumpirma ng DA na hindi na nagpapabakuna laban sa FMD ang bansa sa loob ng ilang dekada.
Hozzászólások