ni Lolet Abania | March 15, 2022
Kinokonsidera na sa ngayon ang lahat ng lugar sa Pilipinas na nasa low risk sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
“Magagandang balita dahil lahat po ng areas natin ngayon sa ating bansa, maski po ‘yung nasa ilalim ng Alert Level 2 ay low risk na ang kanilang classification,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa briefing ngayong Martes.
Ayon sa opisyal, dumarami na rin ang mga vaccination rates ng ahensiya sa mga lugar na nananatili sa ilalim ng Alert Level 2, bilang bahagi aniya ito ng pagsisikap na maibaba na rin sila sa Alert Level 1.
Sinabi naman ni Vergeire na ang mga restriksyon sa Metro Manila at 38 iba pang lugar sa bansa ay patuloy na pinaluluwag dahil na rin sa mataas na vaccination rates at pagsunod sa mga minimum public health standards.
“Wala pa rin tayong muling nakikitang pagtaas ng kaso sa kahit anong lugar sa ating bansa,” saad pa ni Vergeire.
Comments