top of page
Search
BULGAR

‘Pinas, may pinakamaraming casino sa Asya, grabe!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 14, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

NAGING KUWESTIYUNABLE ANG MGA ALEGASYON NI GARMA KAY EX-P-DUTERTE AT SA MGA PULIS DAHIL PUMUGA SIYA -- Sa unang pagharap ni former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ret. Col. Royima Garma ay ikinulong siya sa Kamara, at nang banggitin na makikipagtulungan sa Quad Committee at sabihing totoo ang reward system at idiin si ex-P-Duterte sa EJK ay pinalaya na siya ng mga cong. sa kanyang kulungan, pero lingid sa kaalaman ng mga kongresista ay pumuslit pala ito palabas ng ‘Pinas at nagtungo sa Amerika. Ang problema minalas siya pati ang kanyang anak dahil hinarang sila ng mga otoridad sa California, USA at sa ngayon ay inaayos na ng mga otoridad ang pagpapauwi sa kanya sa bansa.


Dahil diyan, naging kuwestiyunable ang mga akusasyon ni Garma kay ex-P-Duterte at sa mga police official sa EJK, kasi kung totoo ang kanyang mga pinagsasabi sa QuadComm, hindi sana siya umeskapo palabas ng ‘Pinas, period!


XXX


BAKIT ISA MAN SA MGA TAGA-QUADCOMM AY WALANG HUMIRIT NA IPATAWAG SA HOUSE HEARING SI CUSTOMS OFFICIAL MARONILLA? -- Sa pagdinig ng QuadComm tungkol sa illegal drugs noong Nov. 7, 2024 ay naitanong ng mga cong. kay detenidong former Customs Intelligence Officer Jimmy Guban ang kaso ni Customs fixer-broker Mark Taguba na may kaugnayan sa shabu shipment noong year 2017, at ayon sa kanya (Guban) ay biktima lang daw si Taguba, pati ang isang Tatad (consignee Eirene Tatad) na kapwa hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo.


“Biktima lang sina Taguba at Tatad, si Collector Maronilla nakalibre, absuwelto, promoted pa,” ani Guban.


Karaniwan sa QuadComm, kapag may nabanggit na pangalan, ipinatatawag ito sa next hearing, pero nang mabanggit ni Guban ang pangalang Collector Maronilla ay bakit ni isa sa mga cong., walang humirit na ipatawag ito sa susunod na hearing para tanungin tungkol sa nasabi laban sa kanya ng detenidong Customs officer na siya ay nakalibre, absuwelto at promoted pa? Tsk!


XXX


HANGGA’T HINDI IPINAHUHULI ANG MGA UKAY-UKAY SMUGGLER HINDI MATITIGIL ANG TARA SYSTEM SA CUSTOMS -- Ibinulgar din ni Guban na talamak pa rin ang tara system at ukay-ukay smuggling sa Customs.


Sa totoo lang, hangga’t hindi ipinahuhuli, pinakakasuhan at ipinakukulong ni Customs Comm. Bienvenido Rubio ang mga kilalang ukay-ukay smugglers na sina alyas "Gerry," "Joel," "John Paul," "Janjan," "Ringgo," "Jimpol," "Egay," "Tina U.," "Bebang," "Big Mama" at "Kimberly," ay hindi matitigil ang tara system sa Customs, period!


XXX


‘PINAS, MAY PINAKAMARAMING CASINO SA ASYA -- Sa data na inilabas ng Archlight.com na nakabase sa London, sa buong Asya ay ang Pilipinas ang may pinakamaraming casino sa bilang na 76.


Sa rami ng mga casino na iyan, ay parang sinabi na rin ng Archlight.com na sa Pilipinas may pinakamaraming sugarol, boom!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page