ni Mylene Alfonso | March 24, 2023
Aminado si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na nakararanas ng krisis sa tubig ang Pilipinas kasabay ng kanyang pag-anunsyo ng paglikha ng office of water management na tutugon sa problema sa suplay ng tubig sa bansa.
Sa 6th Edition Water Philippines Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, inihayag kahapon ni Marcos na kailangang tularan ng Pilipinas ang mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng tubig mula sa ibang bansa tulad ng
Israel upang matugunan ang krisis sa tubig.
“I’d spent some time in Israel and I saw how they treat the water because water is very scarce. They live in the desert. Nevertheless, they are able to collect the water during the rainy season, whatever is available, they put fish in it to grow fish. When the summer comes, they take it out, take out the water, harvest the fish, and then that goes to
irrigation and so forth,” banggit ni Marcos.
“These are the kinds of thinking that we have to apply to the Philippines because of the crisis that we are facing and how debilitating it will be to the entire economy, to the entire society if our water supply problem continues to get greater, continues to become more dependent on what we have been doing in the past,” saad ng Pangulo.
“We all know the Philippines is not a dry place, and why do we not have enough water?” tanong niya.
Binanggit din ng Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng paglikha ng office of water management, ang gobyerno ay maaaring gumawa ng mas komprehensibong patakaran sa pagtugon sa krisis sa tubig.
Kaugnay nito, inihayag ng Pangulo na pirmado na niya ang executive order na lilikha ng office of water management na layuning pamahalaan ang water resources ng bansa at tutugon sa kasalukuyang environmental challenges.
Comments