top of page
Search
  • BULGAR

‘Pinas, hina-harass na ng China, niraraket pa sa sugal na POGO

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 1, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SANA ALL NG PARTYLIST TULAD NG KABATAAN, ACT TEACHER AT GABRIELA -- Ganap nang batas ang panukala nina Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ACT Teacher Partylist Rep. France Castro at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na “free college entrance exam” sa lahat ng pribado at pampublikong unibersidad sa Pilipinas.


Sana all ng mga partylist representatives ay tulad nina Manuel, Castro at Brosas na nagtatrabaho sa Kamara para sa kapakanan ng mamamayan, hindi tulad ng ibang partylist representatives na mga pabida lang, period!


XXX


IPANALO ANG BAYAN MUNA AT TODA PARTYLISTS, IBASURA ANG PARTYLIST NA ANG MGA NOMINADO, MAGKAKAMAG-ANAK -- Nakalulungkot isipin na kabilang ang Bayan Muna partylist at TODA partylist sa mga natalo sa nakaraang 2022 election.


Mantakin n’yo, ang Bayan Muna partylist na gumawa ng batas na Social Security System (SSS) pension increase at social pension hike na napapakinabangan ngayon ng milyun-milyong pensyonado ay natalo, at ang TODA partylist na nagre-represent sa milyun-milyong Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa bansa ay natalo rin, tapos ang ibinoto ng majority Pinoy kaya mga nagsipagpanalo ay partylist ng mga magkakamag-anak na trapo (traditional politicians).


Sana, sa 2025 election ipanalo naman ng mga botante ang Bayan Muna at TODA partylists at ibasura ang partylist na ang mga nominado ay magkakamag-anak, boom!


XXX


ILLEGAL ONLINE GAMBLING, PASUGAL NG POGO? -- Dapat imbestigahan ng mga otoridad kung ang sangkatutak na illegal online gambling sa social media ay konektado sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na inu-operate ng mga Chinese sa Pilipinas.


Kung connected nga, aba’y kasumpa-sumpa na ang ginagawa ng China sa ‘Pinas kasi hina-harass na ang mga kawal at mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS), tapos niraraket pa sa illegal online gambling ang mga Pinoy netizens, tsk!


XXX


MAGDAMAGANG RAKET NA COLOR GAMES AT DROP BALLS SA ISABELA -- Halos magdamagan ang operasyon ng color games at drop balls nina “Guilao” sa Santiago City, “Zuma” sa Cauayan City at Cordon, “Eherson” sa Cabatuan, pawang sa Isabela.


Dapat ipa-tokhang na ni Isabela Provincial Director Col. Lee Allen Bauding ang mga gambling lords na iyan kasi kung wala siyang gagawing aksyon, baka sibak ang abutin niya kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil, period!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page