ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 22, 2021
Kumpiyansa si Health Secretary Francisco Duque III na handa ang Pilipinas kung isasailalim na ito sa modified general community quarantine (MGCQ).
Aniya, “I think we are ready. I can say that because after one year, we have managed to keep our infection rate manageable… It is at a level that has not overwhelmed the healthcare system.”
Ayon din kay Duque, epektibo ang pagkilos ng mga local government units sa pagkontrol ng COVID-19.
“Naniniwala ako na ang ating LGUs ay handa naman ang kanilang sistema, ang kanilang mga health protocols, ang kanilang quarantine/isolation guidelines, infection/prevention control protocols, ang kanilang testing capacities, etc. para magluwag pa to MGCQ ang kanila pong quarantine status.”
תגובות