top of page
Search
BULGAR

'Pinas, bird flu-free na — DA

ni Lolet Abania | January 19, 2021




Ligtas na ang Pilipinas mula sa Avian Influenza (AI) o tinatawag na bird flu, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) ngayong Martes. Sa isang statement ng DA, idineklara ng World Organization for Animal Health (Office International des Epizooties-OIE) na noong Enero 8, 2021, ang bansa ay ligtas na mula sa natitirang A(H5N6) strain ng AI o bird flu.


Sinikap ng pamahalaan na maresolbahan ang pagkalat ng AI na may strain na A(H5N6) sa isang commercial poultry farm sa Pampanga at backyard poultry farms sa isang bayan sa Rizal sa loob ng humigit-kumulang na isang taon matapos na ang nasabing virus na nakaapekto sa mga hayop ay pumasok sa bansa.


“I congratulate the DA-BAI (Bureau of Animal Industry) and the local governments of Pampanga and Rizal, whose swift action resulted in limiting the further spread of the AI A(H5N6) strain to other areas,” sabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.


Aniya pa, magandang balita ito dahil ang mga poultry meat na pinakamainam na pinanggagalingan ng protein na pagkain ng mga Pinoy gaya ng baboy at baka ay bird flu-free na. Sa ibinigay na report sa OIE, ayon sa DA-BAI lumabas na ang mga apektadong poultry farms ay wala nang AI virus mula sa isinagawang monitoring at surveillance.


"We had not detected any case of AI A(H5N6) among the poultry and other bird population in the last 90 days after the completion of cleaning and disinfection in the affected farms, surveillance and monitoring, and completion of the 35-day restocking period with sentinel animals in Pampanga and Rizal," ani DA-BAI Ronnie Domingo.


Matatandaang noong July 10, 2020, kinumpirma ng DA-BAI Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory ang pagtama ng A(H5N6) strain sa mga hayop sa bansa matapos na ipaalam ng may-ari ng commercial layer farm sa opisina ng Pampanga provincial veterinary ang pagkakaroon ng kakaibang kulay ng mga itlog at pagkakasakit at pagdami ng mga namamatay na alaga niyang manok.


Isa pang kaso ang na-detect sa Rizal, na ini-report ng isang magsasaka noong August 26, 2020 sa opisina ng municipal veterinary ng Taytay. Lumabas din sa pagsusuri ng DA noong August 10, 2020, ang mga clinical signs ng mga hayop na namatay ay may sakit na AI.


Agad na nagsagawa ang DA, katuwang ang mga farm owners at Department of Health ng sanitary control at containment operations upang mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa ibang lugar.


"We appreciate the rapid response and collaboration of the local government units of Pampanga and Rizal and DA Regional Field Offices III and IV-A," sabi ni Domingo.


Patuloy na pinapayuhan ng DA-BAI ang mga poultry farmers at industry stakeholders na maging mapagmatyag at agad i-report sa mga farm veterinarians o pinakamalapit na government veterinary and agriculture office sakaling muling magkaroon ng ganitong insidente sa kanilang mga alagang hayop.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page