ni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023
Nakatakdang opisyal na pag-usapan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas at Japan sa pamumuno ng National Security Adviser upang maisaayos ang military sector at ang seguridad ng parehong bansa.
Pahayag ni NSA Secretary Eduardo Año ngayong Linggo, Nobyembre 5, mahalagang hakbang ang pag-uusap na ito sa ikabubuti ng relasyon ng mga bansa.
Sinasabing ang RAA ay makakatulong sa pagpapadali ng mga patakaran lalo na sa usapin ng pagsasanay at ibang programa para sa hukbo ng dalawang bansa.
Dagdag ni Año, "We look forward to the negotiations and implementation of these agreements and initiatives, which will undoubtedly strengthen our partnership and contribute to a more secure and stable Indo-Pacific."
Ito ay matapos ibahagi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagsasanib-puwersa ng Japan, 'Pinas at US upang masiguro ang kalayaan sa karagatan at karapatan sa WPS.
تعليقات