ni Angela Fernando - Trainee @News | December 17, 2023
Pinag-usapan ng Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagpapatibay sa kaligtasan sa karagatan at kooperasyon sa enerhiya nitong Linggo sa Japan-Philippines Summit Meeting para sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), siniguro ng Prime Minister na ang Japan ay magpapatuloy sa pagbibigay ng coastal radar system sa pamamagitan ng Official Security Assistance (OSA).
Dagdag pa ng PCO, nais din daw ng nasabing bansa na paigtingin ang kooperasyon sa pagpapatibay ng kaligtasan sa karagatan batay sa Memorandum of Cooperation sa pagitan ng mga coast guard ng dalawang bansa na nilagdaan sa mismong okasyon.
Nagkasundo din ang mga lider ng 'Pinas at Japan na ipagpatuloy ang pagsusuri para sa maagang kasunduan sa mga negosasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) at pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga coast guard ng kanilang mga pinamumunuang bansa.
Comments